WELCOME TO MY BLOG . .

PLEASE DONT HESITATE TO LEAVE COMMENTS BECAUSE IT WELL BE APPRECIATED NO MATTER WHAT IT CONTAINS.

Thursday, May 13, 2010

ANO PROBLEMA MO?

           Ako si  Lena 21 yrs old. Panganay ako sa apat na magkakapatid. Maganda ang buhay namin noon pero hindi na ngayon.. Simula kasi nung mamatay ang tatay ko ay nagkanda leche-leche na ang aming buhay .
      
          Naging depress ang nanay ko dahil hindi nya matanggap na wala na ang tatay ko kaya nalulong siya sa alak, hindi ko naman masaway dahil baka sumama pa ang kanyang lagya. Tatlong bote nga ng alak ang nacoconsume nya araw-araw.
       
          Ang kapatid ko naman na lalaki na sumunod sa akin na si Eman ay naging membro na raw ng Gang ayon kapatid ko. Hindi na rin sya nag-aaral dahil kapos na kami sa pera sa ngayon. Araw-araw syang wala sa bahay dahil nasa labas sya kasama ng mgakaibigan nya sa gang. Siguro nasa labas sya parati dahil ayaw nya maalala ang mga problema namin sa bahay.
       
          Ang kapatid kung babae nalang ang tanging pag-asa namin makaahon sa hirap. Matalino at maganda kasi si  Anna sa katunayan nga ay gumraduate pa syang valedectorian nung highschool. Kaya heto ako ngayon ginagawa ang lahat para matustusan ang kanyang pag-aaral. Saludo ako sa kanya dahil kahil anung laki ng aming problema ay hindi sya nagpapadala. Yun ang akala ko noon pero hindi na ngayon. Nalaman ko kasi kahapon na umalis siya ng walang paalam, nag-iwan lang sya ng note sa reef na ang nakalagay ay, "Ate Lena  wag mo na ako hanapin dahil lumayas na ako, kasi. .. kasi.. . ahhmmm buntis ako ate at si diego ang ama. . sorry ate sana wag ka magalit. ..Peace .". - ANNA
         
           Punyeta. . bat ako hindi magagalit? Dami ko na nga problema dinagdagan pa nya. At syaka 18 yrs old pa lang sya at buntis na, at take note si diego ang ama.Si Diego na isang ADIK as in drug user. Ewan ko ba kay Anna , akala ko matalino sya booba pala. Bat hindi nalang sya nagpabuntis sa iba, sa mga kaklase nyang mayaman at gwapo sana. Bat kay Diego pa na adik na user pa. Kung mayaman lang sana ang ama ng magiging anak nya e di sanay natuwa pa ako sa kanya kahit papano.
       
        Hahay. .ito ako ngayon nag-iisang nakahiga sa kama habang nag-iisip ng solusyon sa aking maga problema. bukas na pala ang bayaran sa upa ng bahay, saan na naman kaya ako kukuha ng pambayad? Ibinta ko nalang kaya reef namin bukas? May bibili din kaya.?   Nasaan na kaya si Anna? Kumain na kaya yun? maarte pa naman yun sa pagkain. Si eman kaya asan na yun? Natutulog na kaya yun? Di pa naman yun nakakatulog ng walang aircon. Si inay kaya may alak pa kaya yung iniinum? Siguro langoo na yun ngayon..  

        Nagising ako sa malalim na pag-iisip ng may biglang kumatok sa aking kwarto. Muntik ko nang makalimutan na may isa pa pala akong kapati si Jr.  Sya nalang ang kinakapitan dahil kami nalang magkakampi ngayon dahil iniwan na nila kaming lahat. Tinawag ako ni Jr. "Ate nagugutom ako". Sabi niya. "Hindi ka pa ba kumakain?", tanong ko. Nang hinawakan ko sya ay na feel ko na napakainit nya. Taas ata ng lagnat nya. "Ateh. .ateh.. . . ." sambit nya ng bigla syang mawalan ng malay.. .Nataranta ako . .Naisip kong tawagan ang aking nobyong si James para magpatulong dalhin si Jr. sa ospita. Ring ng ring ang kabilang  Bat kaya ang tagal nya sagutin . .At sa wakas sinagot din nya ang tawag ko .. "Hello james, asan ka? Tulungan mo ko nawalan ng malay si Jr. Dalhin natin sa ospital." sambit ko.  . .
          
        "Hello? Sino to?" Boses babae ang nasa kabilang linya . "Si Lena to, ikaw sino ka ba? Asan si James?", sagot ko. "Babe sino yan?" , boses yun ni James. . "Lena daw babe", sabat ng babae.  "Sino ba kasi yan?" , sabat ng babae. " Ahh. . wala to", Narinig kung sabi ni James sa kabilang linya..  Binaba ko na ang fone bago pa nya ako kausapin.. Tumulo bigla ang luha ko, pati ba namna si James ipinagpalit ako. iyak ako ng iyak habang kargakarga si Jr. palabas ng bahay.
    
       Ewan ko kung pano kami nakarating sa ospital basta ang importante ay nasa ospital na kami. Bagong masamang balita na naman dahil sabi ni doc ay may dengue daw si JrSaang lupalop na naman kaya ako maghahanap ng pera nito. Anong gamit na naman ang ibibinta ko. Siguro yung flat screen tv nalang de bale walang tv basta may Jr kaming katabi. BweEsit kailangan ko pa pala mghanap ng dugo. de bale e dodonate ko nalang lahat ng dugo ko para save kasi de pwede si nanay dahil lasing, si Anna naman buntis at si emman de ko naman. Nako 10 yrs old pa lang si Jr. Sana naman kayanin nya eto.Lecheng Lamok kasi yan sumasali pa sa problema ko.Dami naman bata dyan bat si jr pa na hindi nga yun marunok pumatay ng lamok.

       Habang naglalakad sa kalye ay iniisip ko pa rin ang maga problema ko. bat ganun? Kung mamroblema naman ako sabay sabay, cguro dahil wala akong problema noon kaya bumuhos ngayon. Si Nanay, si Eman, Anna, Jr at pati pa pala si James. .
            "Ahhhhh. . ..  Ayaw ko nahhhhh. .. . " Napasigaw ako ng pagkalakaslakas. ..nakalimutan kong nasa kalye pala ako at naglalakad. Shit tumigil sila lahat at naglingunan lahat sa akin. . "Miss ko ka lang?", "Miss nasnatchan po ba kayo?,"Asan at hahabulin ko?". Miss ano problema mo? Sabaysabay nilang sabi. Shit bigla na naman tumulo luha ko. . .Iyak ako ng iyak at sa gitna pa talaga ng kalye ako umiyak.."Miss panyo o, bat ka ba umiiyak?", sabay abot ng panyo ng lalaki."Tahan na ening wag ka na umiyak, wag ka mag-alala tutulungan ka namin", sabi ng ale.

           Shockz na touch ako sa kanila. Bat ang baitbait nila? At guess what ang dami pa nila.. Ang dami palang taong handang tumulong sayo kahit di ka kaanu-ano. Akala ko ako nalang mag-isa pero andyan pa pala sila. Buti pa sila di ko killa pero tinulongan ako di katulad ng pamilya ko na kahit anong text ko deadma. cguro may sarili din silang problema at malaki pa. kahit pala anong laki ng problema mo may solusyon pala basta wag ka lang sumuko.



MAKALIPAS ANG ILANG ARAW. .. .

            Solve na ang problema ko sa dugo dahil may mamang ng volunter magdonate ng dugo, asawa sya ng aleng tumulong sakin sa kalye. Hindi kasi ako pwede magdonate ng dugo dahil wala akong tulog. sa pera naman ay marami pa naman kaming gamit na pwede ibinta.
 
           Si Eman himala umuwi na ng bahay. Nag apply pala sya sa call center at natanggap naman sya, kaya pala sya nawala ng matagal dahil ng training sya. Di lang daw nya sinabi para daw surprise. Buti nalang sa private school kami galing dahil gumaling kami mag ingles. buti naman at amy tutulong na sa akin financially. 

            Si Anna naman joke lang pala nya yun. Yung totoo ay may thesis pala syang ginagawa about teenage pregnancy. Tiningnan lang nya kung pareho kami ng reaction sa mga respondents nya. Pucha talaga kung magbiro akala mo tooo, naniwala pa naman ako.Well matalino talaga sya at umeffort pa. Buti nalang di totoo kung di baka nakalbo ko na sya kung nagpakita pa sya.

          Si nanay atlast ay nagising na din sa katutuhanan at ayon naging kaanib na sya ng religous group na kumakanta ng " Alive, alive, alive forevermor." Nakakkatuwa talaga si nanay o para lang tanga .. heheh 
N AT AYON KAANIB NA SYA NG RELIGIOUS GROUP NA KUMAKANTA NG "ALIVE, ALIVE. . .
          Si Jr naman medyo maayos na. Baka umuwi na kami sa makalawa. Akalain mo sya pala yung membro ng gang at hindi si Eman. Dinamay pa talaga nya si Eman sa kanyang kalukohan. sarap talaga kurotin ng batang to o.

          At ako gagraduate na ako sa March. tuition nalang ang kulang. Pero di bale ibenta ko nalang ang aming car wag lang ang aking dangal. Uy bago ko pala makalimutan, Out na pala si james sa aking life at take note ipinagpalit nya pala ako sa baklang boses babae. Di bale dahil may boy friend na ulit ako ngayon si Pako na Ex ko at klasmate ko sa Law. biruin mo love pa pala nya ako. At by the way sya pala ang nag-abot ng panyo sa akin nung nag emote ako sa kalye. well mahal ko na ri siya ngayon. Tama nga sila kung may mawawala ay may papalit rin. 

            Ako si Len, malungkot ako noon pero masaya na ako ngayon.

                             - The end-


                          

1 comment: